Ang kwentong ito ay hango sa totoong buhay. Actually, kwento nga galing sa buhay ko eh. Ang nilalaman neto ngayon ay tungkol sa naging buhay ko dahil sa isang babae. Itago na lang natin ang babaeng iyon sa pangalan na..........Mae. (kaya mae kasi halata na kung may ang ilalagay ko. haha!)
Hindi ko talaga inaasahan na mangyayari ito. Grabe. Kasi naman, bigla-bigla na lang itong sumulpot. Ewan ko ba talaga.
September 18, 2009. Friday iyon. Katatapos lang ng CAT. Eh di nasa labas na ang lahat, sa Patio. Bilihan na sila ng softdrinks kasi napagod. Akalain mo, mag-martsa ka ba naman ng isang oras?! (Sorry CAT officers, nkakapagod lang talaga. Haha!!) Eh di ako, lumabas na din. Syempre, hilig ko nun ang sumama sa mga estudyante ng San Simon. (Sorry San Bartolome, di ko kayo ganoong close eh. Saka may sarili kayong tropa.) Ayun, kwentuhan sa mga yon. Then, nilapitan ko ung dati kong CAT Officer sa Charlie Company. Ano nga bang posisyon nya? Ah..Flight Leader pa sya nun. Ayun, kwentuhan ulit. Sa kanya ko nalaman nun na bawal pala hawakan ng hindi officer ung uniform nilang mga officer. Hanep ah. Habang nag-uusap kami, may isang classmate nya ang biglang sumigaw, "YIHEE!!". Kabwiset sya. Tuloy-tuloy ung asaran hanggang sa jeep. Gumatong pa ung iba. Kabwiset! So ayun, bumaba na din ako. Hindi ko na alam kung ano nangyare pagka-baba ko. Pagka-uwi ko, ayun. Wala naman masyado nangyari. Kinabukasan kasi, exam ko noon sa Ateneo. When I came to Ateneo the following day, September 19, 2009, syempre, nag-exam na ako. Malamang. After my exam, sa hindi ko malamang dahilan, hinahanap ko siya. Pagkatapos ng pangyayaring yun, ayun na. And the rest is history. :P
Grabe, ngayon ko lang ito naisipang i-post. HAHA.
Love you Ruby! <3





0 comments:
Post a Comment